Friday, January 19, 2018
Step Out of your Comfort Zone
According to Wikipedia, ang "Comfort Zone" ay isang psychological state in kung saan pamilyar at may kontrol tayo sa mga bagay sa ating paligid at bihira o madalang nating maranasan ang tinatawag na "anxiety and stress".
Pero kung gusto mong umunlad at magkaroon ng pagbabago, panahon na para ipush mo ang boundaries mo.
Bakit?
Simple lang, maaaring natatakot tayo sa challenge o failure,ngunit ang totoo, may kakayahan kang pagtagumpayan ang isang bago at mapaghamong oportunidad para maabot mo ang goals mo.
Ang tunay na hamon ay nasa labas ng Comfort Zone depende sa iyong pananaw at paniniwala.Ito ang pinagsamasama mong karanasan at hindi doon sa mga bagay na komportable ka.
Ito ang magtutulak upang ilabas ang tunay mong potensyal sapagkat hindi mo malalaman ang isang bagay hanggat di mo nasusubukan.
Ang pagtanggap sa hamon anuman ang kalabasan ay magdaragdag upang ikaw ay matuto.Magkamali ka man, dahilan ito upang baguhin mo ang ginagawa mo.
There is no such thing as “fail” if you got something out of the experience.
At para sa iyong kaalaman, “F A I L” means “First Attempt in Learning”.
Huwag mong hayaang maging dahilan ang kasalukuyang kalagayan mo upang tanggapin ang hamon
- MALAKI ANG MAGIGING KAPALIT NITO.
Sa tuwing sumusubok ka ng isang bagong bagay, binibigyan mo ang sariling mong maging bukas sa oportunidad, natututo ka, at nadadagdagan ang iyong kaalaman.
Maaari mo itong simulan mula sa maliit na bagay hanggang makasanayan mo. Maging bukas sa oportunidad.
At alam kong magagawa mo ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment