RISE AND SOAR LIKE AN EAGLE
Alam mo bang alam ng isang Agila kapag dumarating ang isang bagyo bago pa ito bumagsak sa kalupaan?
Ang Agila ay lumilipad sa isang mataas na lugar upang maghintay sa malakas na hanging paparating.
Kapag dumating na ang bagyo, bubuksan nito ang kaniyang mga pakpak nito upang kunin ng hangin at itaas ito sa ibabaw ng bagyo.
Habang dumadaan ang bagyo sa ibaba, ang agila naman ay nananatiling nasa ibabaw nito.
Hindi tinatakasan ng Agila ang bagyo.
Sa halip, ginagamit lamang nito ang bagyo upang mas lalo itong maitaas. Itinataas ito ng hangin na nagdadala ng bagyo.
Kapag kasi may bagyong paparating, ang lahat ng iba pang mga ibon ay naghahanap ng kanlungan.
Samantalang ang Agila ay nag-iisa, nagagawang umiwas sa bagyo sa pamamagitan ng paglipad sa itaas nito.
Gamitin mo ang struggles ngayon para umangat at umalis ka sa comfort zone kung gusto mo talagang magsucceed.Later,you will enjoy the fruits of your perseverance and dedication.
Be smart at take calculated risks at huwag mong hayaang pangunahan ka ng pagdududa sa sarili mo.
Nawa'y maging katulad mo rin ang Agila. Magkaroon ka ng vision dahil Future mo ang nakataya dito!
RISE AND SOAR LIKE AN EAGLE
Kung nagustuhan mo itong post, feel free to like and share ... and spread the Good News!
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!
Your Friend
Gilfred " Ghee " Montecer
No comments:
Post a Comment